Tuesday, November 15, 2011

ARSHRAMARIDA '09

Arjean Mae N. Agustin


Mga alaalang di malimutlimutan
Na nagsimula sa isang isnaban
Ngunit kinabukasan hindi natin namalayan
Tayo'y naging magkakaibigan


Lagi tayong magkasama

Kahit saan man magpunta
Sa kalungkutan at kaligayahan
Sa kagipitan tayo'y nagtutulungan


Ngunit hindi nagtagal
Ang napakagandang samahan
Ay nabalot ng kalungkutan
At nauwi sa 'di pagpapansinan

Bakit nga ba nangyayari ito?
Ang pagkakaibigan ba'y sadyang ganito?
May awayan at iyakan
Na talagang 'di maiiwasan


Ngunit 'di natin nakayanan
Ang isang linggong 'di pagpapansinan
Tayo'y nagkaprangkahan
At hindi nagtagal, tayo'y nagkapatawaran


Salamat sa Diyos
At tayo'y nagkaayos
Mula sa malagim na pinagdaanan
Ng samahang 'di mapapantayan.


September 20 2007

No comments:

Post a Comment